Pagpapatayo ng community college sa Camalig, Albay inaasahang masisimulan na sa susunod na taon

Isa sa mga problema ngayon ng lokal na pamahalaan ng Camalig ay ang kawalan ng paaralan para sa kolehiyo lalo na ang mga mag-aaral na nakatira sa malalayong barangay.

Ayon sa alkalde ng nasabing bayan na si Caloy Baldo, maaaring masimulan na ang pagpapatayo ng community college sa susunod na taon.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Aniya, natatagalan lang umanong maipatayo ang paaralan dahil sa kakulangan ng pondo para sa konstruksyon nito.

Dahil dito, nangako na umano ang AKB Partylist na bibigyan ng pondo para sa pagpapatayo ng community college.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Karamihan umano sa mga nagtapos sa high school ay pumapasok sa kolehiyo sa Daraga Community College.

Kung kaya’t target na maitayo ang nasabing paaralan sa Brgy. Cotmon upang mas maraming mga mag-aaral mula sa iba’t ibang barangay ang hindi na mamomoproblema sa pamasahe.