Sen. Bong Go, hiniling sa DOH at LGUs na suyurin ang malalayong lugar para sa mga nais magpabakuna vs. COVID-19

Hinikayat ni Senador Bong Go ang mga lokal na Pamahalaan at sa Department of Health na suyurin ang mga malalayong lugar para sa mga nais magpabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Go, may sapat na bakuna hanggang ngayon ang gobyerno laban sa virus at sa katunayan ay nag-e-expire na lamang ang iba kaya dapat samantalahin itong magamit.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Idinagdag nito na may mga lugar tulad sa Palawan na maraming nais magpabakuna subalit nalalayuan sa mga vaccination center kaya nagiging kuntento na lang sa initial doses ng vaccine.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Samantala, pinapurihan ni comm. on health chairman ang mga health workers na patuloy na nagsasakripisyo sa gitna ng patuloy na pandemya.

Inihayag ito ng mambabatas sa pagbisita nito ngayong araw sa Puerto Princesa City kung saan siya ang nanguna sa pamamahagi ng assistance for individual in crisis.