5 Super Health Center, target maitayo sa Palawan- Sen. Bong Go

Nais maipatayo ni Senator Christopher “Bong” Go ang limang ( 5 ) Super Health Center sa buong lalawigan ng Palawan.

Ayon sa Chairman ng Committee on Health, ang isa rito ay nais niyang mailagay sa Barangay Inagawan sa Puerto Princesa na aniya’y napakalayo sa City Proper.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Sa pamamagitan aniya nito ay mas mapapalapit ang serbisyo sa mga kababayan na nangangailangan ng atensyong medikal upang hindi na kailangang pumunta pa sa malayong ospital.

Tinitiyak ng senador na ito ay pakikinabangan ng mga nasa malalayong lugar tulad ng serbisyong naibibigay ng mga pampublikong pagamutan.

Read More:  Nearly entire church ceiling collapses in Maguindanao del Norte

Inihayag ito ng Senador sa Puerto Princesa City Coliseum nang pangunahan niya ang pamimigay ng assistance sa daan-daang taga- lungsod na individual in crisis ngayong araw.