LEGAZPI CITY – Natanggap na ng dalawang barangay ang ipinamahagi ng Department of Agriculture (DA) Bicol na mga certified palay seeds para sa dry cropping season.
Ayon sa Municipal Agricultural Services Office (MASO), saku-sakong mga binhi ng palay ang nakuha ng mga magasasaka mula sa Brgy. Pandan at Busay ng nasabing bayan.
Ang pamamahagi ng mga binhi ay para sa dry cropping season na magmula ngayong buwan ng Nobyembre hanggang Hulyo sa susunod na taon.
Ang mga certified palay seeds mula sa ahensya ay nasa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Layunin ng programa na makapagbigay ng interbensyon para sa mga magsasakang rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o (RSBSA) lalo na sa mga rice farmers na mayroong palayan na hindi na tataas sa dalawang ektarya.