Halos 900 indibidwal nabakunahan kontra COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte sa unang dalawang ng araw ng Barangayang Suyod Bakuna

CAMARINES NORTE- Aabot sa 892 indibidwal ang nabakunahan kontra COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte sa unang dalawang araw ng Barangayang Suyod Bakuna (BSB) o noong November 14 at 15.

Batay ito sa tala ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center as of November 16, 8:00 am.

Pinakamarami ang nabakunahan sa Labo na may 256 at Mercedes na may 247.

Habang ang capital town na Daet ay mayroon namang 122 na sinusundan ng Paracale na may 94 at Jose Panganiban na may 44.

Ang limang nabanggit na bayan ang na- identify ng Department of Health kung saan nakatuon ang pansin sa BSB.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

May tig- lilimang Barangay sa mga nabanggit na bayan ang natukoy na marami ang hindi pa nababakunahan ng booster shot kaya dito ngayon nakatutok ang COVID- 19 vaccination drive.

Gayunman, tuloy- tuloy din ang pagbabakuna sa iba pang LGU tulad ng Basud na may 39 na indibidwal na nabakunahan sa nabanggit na mga araw, San Lorenzo Ruiz 38, Vinzons 36, Sta Elena 12, Talisay 3 at San Vicente 1.

Ang bayan naman ng Capalonga ay walang naniulat na nabakunahan sa mga nabanggit na araw.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Mababatid na nang ilunsad ang BSB ay nagsimula nang magbakuna ng booster shots sa mga na-identify na high yield areas sa kani-kanilang lugar ang mga health workers ng Camarines Norte at buong Bicol Region.

Ang mga barangay na pinuntahan ng vaccination teams ay ang mga may mataas na bilang nang mga hindi pa nababakunahan ng booster shots kontra COVID-19.

Pero ayon sa DOH hindi lang COVID- 19 ang nais labanan sa pagsasagawa ng BSB sa pamamagitan ng bakuna, kundi pati na rin ang iba pang vaccine preventable diseases tulad ng tigdas, polio, pneumonia, at iba pa.