Maraming Pilipino, mas naging conscious sa pagkakaroon ng mga anak

Maraming Pilipino umano ang namulat ngayon sa mga implikasyon ng pagkakaroon ng anak ,ito ay habang bumababa ang fertility rate ng bansa ayon sa Commission on Population and Development o Popcom.

Lumalabas sa pag-aaral mula sa state statistics agency na ang kabuuang fertility rate ng mga babaeng Pilipino na may edad 15 hanggang 49 taong gulang ay bumaba sa 1.9 ngayong taon mula sa 2.7 noong 2017 na itinuturing na pinakamababa sa ngayon.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Sinabi ni Popcom officer-in-charge Lolito Tacardon , na ilang mga tao ay naging mas praktikal at mas may kamalayan na sa bilang ng anak na nais nilang magkaroon.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Para sa mga mag-asawa na mayroong maliit na pamilya, magkakaroon na umano sila ng pagkakataon na mas mag ipon at magkaroon ng investments para sa kanilang kalusugan at pag aaral ng kanilang mga anak.

Sinabi rin ng opisyal na kahit papaano ay ipinakita rin ng pag-aaral na mas maraming Pilipino ang gumagamit ng mga contraceptive at family methods. //MHEL PACIA