Alkalde ng Sto. Domingo, inihayag na may 2 kongresista sa Albay ang nangakong tutulong sa repair and rehabilitation ng nasunog na munisipyo sa bayan

LEGAZPI CITY – Hanggang ngayon ay nanlulumo pa rin ang alkalde ng Sto. Domingo, Albay sa sinapit ng munisipyo nito matapos masunog nito lamang Linggo.

Sa panayam ng Brigada News Fm Legazpi kay Mayor Jun Aguas, sinabi nito na nangako ang dalawang kongresista sa lalawigan na sina Joey Sarte Salceda at Zaldy Co na tutulungan nilang mai-repair at mai-rehabilitate ang nasabing munisipyo.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Aniya, hindi na kailangan pang lumipat dahil ang rekomendasyon ng Municipal Engineering Office ay maaari naman umano itong ayusin upang hindi lumaki ang gastos sa pagpapatayo ng bagong munisipyo.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Aabot sa mahigit sa P100M ang posibleng kakailanganing pondo para sa pag-repair ng gusali.

Sinabi pa ng opisyal, inaasahan nitong masisimulan ang paggawa ng munisipyo sa taong 2023 dahil dadaan pa ito sa mahabang proseso bago mabigyan ng pondo.