Mahigit 1,000 4Ps beneficiaries sa Albay, nagtapos sa Provincial Kick-off Pugay Tagumpay ng DSWD Bicol

LEGAZPI CITY – Humigit-kumulang 1,000 miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa lalawigan ng Albay ang nagtapos kahapon sa Albay Astrodome sa isinagawang Provincial Kick-off Pugay Tagumpay ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) Bicol.

Dumalo sa nasabing gawain sina Gemma Gabuya, Director IV ng National Program Manager ng 4Ps, Hon. Justine Batocabe, direktor ng Standards Bureau and Agency Operation Center ng DSWD, Vice Gov. Atty. Edcel Lagman at iba pang mga opisyal mula sa DSWD.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Ang mga nagtapos sa nabanggit na programa ay ang nakitang umangat ang buhay at nagkaroon ng mga anak na propesyonal kung kaya’t kinakailangan alisin na sa programa.

Dahil dito, bibigyan nang pagkakataon ang hindi pa miyembro ng programa na magiging bahagi na rin.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Nilinaw nito, kahit sila ay nagtapos na at may mga anak pa rin na nag-aaral ay magiging prayoridad ang mga ito sa iba pang programa ng ahensya.

Sa ngayon ay aabot sa mahigit sa 11,000 na mga benepisyaro sa buong rehiyon ang magtatapos sa nabanggit na programa.