Daraga, Albay, walang naitalang casualty sa nagdaang bagyong paeng

LEGAZPI CITY – Hindi nakapagtala ng pagkasawi o casualty ang bayan ng Daraga, Albay kaugnay ng nagdaang bagyong Paeng nito lamang Sabado, Olktubre 29, ayon sa datos ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng nasabing bayan.

Sa tala ng tanggapan, hindi umano nagkaroon ng residenteng nasugatan, nasaktan o anumang insidente dahil sa bagyo.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Maliban dito, passable ang lahat ng major at interior roads, ngunit nagkaroon naman ng report ng pagtaas ng tubig. Samantala, 1,452 na nga pamilya o 5,751 katao ang nailikas sa evacuation centers dahil sa nabanggit na bagyo.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Nagpapasalamat naman ang alkalde nitong si Awin Baldo sa ilang mga yunit tulad ng MDRRMC, MDRRMO, MSWDO at iba pa dahil sa tulong at mga responde nito na maabot ang layuning zero-casualty.