Richard Yap dismayado matapos ang sunod-sunod na tawag dahil sa P599 load bill

Nagpahayag ng kanyang pagkadisma ang actor na si Richard Yap sa isang telecommunication company matapos itong makatanggap ng tawag para i-remind na mayroon itong babayaran na P599 bill sa telepono.

Sa kanyang twitter post ipinakita ni Yap ang screen shot ng call log na mayroong ilang minuto lamang na pagitan.

Sa caption ng post sinabi ng aktor na grabe umano ang telco na tawag ng tawag gayung hindi pa naman niya due date.

Nakasaad din dito na para naman umanong tatakakasan niya ang P599 na bayarin gayung 10-years na siyang parokyano nito.

Dagdag pa ni Yap, subalit kapag nawalan ng signal sa kanilang lugar hindi naman agad inaayos ng telecommunication company.

Matapos ang post, agad naman naglabas ng statement ang telco at sinabing nakipag-usap na sila sa aktor agad himingi na rin sila ng paumanhin dito.