Hindi bababa sa 151 katao ang namatay matapos ang nangyaring stampede sa isang Halloween party sa nightlife area sa Seoul, South Korea.
Maliban dito aabot sa 150 indibidwal pa ang sugatan sa naturang insidente.

Karamihan umano sa mga nasawi ay mga nasa late 20’s ayon kay Yongsan Fire Station head Choi Sung-beom.
Ayon sa mga nakasaksi bago mangyari ang stampede, tila wala na umano sa kontrol ang mga dumalo na karamihan ay nakasuot ng halloween costume.
Ito ang kauna-unahang Halloween event sa Seoul sa loob ng tatlong taon matapos alisin ng bansa ang mga paghihigpit sa COVID-19 at pati na ang social distancing.