Nagsagawa ng ‘Run After Contribution Evaders Activity’ o RACE activity ang Social Security System-Bicol sa iba’t ibang establisamiyento sa lungsod ng Sorsogon kahapon, Oktubre 25.
Ito’y para paalalahanan ang mga employer na hindi nagbabayad ng kontribusyon para sa kanilang mga empleyado.
Binigyan ng SSS ng show-cause order ang mga kompanya na contribution evader at ipaalala na kailangang bayaran ang kontribution para sa kanilang mga empleyado.
Aabot sa 6 na establisamiyento sa lungsod ang tinarget i-operate ng SSS kahapon.
Sinabi ni SSS-Bicol Vice President Elenita Samblero na ginagawa nila ang ‘RACE’ dahil ang manggagawa o empleyado ang lubos na maaapektuhan kapag hindi nahulugan ng kanilang employer ang SSS contribution.
Nakabase kasi sa SSS contribution, ang mga benepisyong makukuha nila tulad ng pension, maternity benefits loan at iba pa.
Sa kabuuan, aabot na sa10 RACE operations ang nagawa ng SSS sa Bicol habang dalawa sa Sorsogon.
