Red alert status ibinandera sa Camarines Sur dahil sa LPA at paggunita ng Undas

CAMARINES SUR- Naka red alert status na ang Camarines Sur bilang paghahanda sa Low Pressure Area na kung magiging bagyo ay papangalanang Paeng , isinabay na sa paghahanda sa paggunita ng Undas.

Sa Memorandum Order ni Gobernador Luigi Villafuerte sa lahat ng mga Mayor at Municipal Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) , mga Brgy. Captain gayundin ang BDRRM, kabilang sa nakapalaman ang paghahanda ng PDRRMC agencies , pag activate ng 24/7 Emergency Operation Center o EOC at ng incident Management Team ng Local DRRMs, no sailing policy , at hindi nawala ang COVID-19 safety measures.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Bagama’t hindi direktang tinutumbok ng LPA ang Camarines Sur, nais ng Provincial Government na walang pamilya o indibidwal na malagay sa peligro lalo’t hindi pa matiyak ng PAGASA ang landfall area kung sakali man.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Samantala, isa sa pinapatutukan sa mga LGU at mga Barangay  ang mga nakatira sa Landslide Prone Areas gayundin ang mga nasa tabi ng mga anyong tubig dahil inaasahang malakas na pag uulan na maaaring magdala ng pagbaha.