3 suspek, sinampahan ng rape with homicide sa pagpatay kay Beverlyn Ampan – PNP

Kinumpirma ng Puerto Princesa City Police Office na mayroon nang sinampahan ng kaso sa pagpatay kay Beberlyn Ampan.

Ayon kay PLTCOL. MARK ALLEN PALACIO, tatlo ang sinampahan ng Rape with Homicide sa City Prosecutors Office nitong nakalipas na Miyerkules.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

May lumutang umanong testigo at inilahad ang mga nalalaman nito sa krimen pero paglilinaw ni LTCOL. PALACIO ay hindi kasama sa kinasuhan ang tumestigo.

Samantala, selos ang tinitingnan motibo ng mga suspek sa pagpatay sa dalaga , base sa imbestigasyon.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Si Beverlyn na tiga- Pinaglabanan Quezon Palawan ay ginahasa bago pinatay noong buwan ng Enero sa masukal na bahagi ng Purok Pagkakaisa Bgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City.