Dalawang LPA sa loob at labas ng PAR, binabantayan

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang dalawang low pressure area sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang unang LPA sa layong 450 kilometers silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Mababa ang tyansa nito sa ngayong maging bagyo ngunit sa mga susunod na oras ay magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon ang trough o extension nito.

Read More:  President Marcos receives PLM’s highest honorary degree

Samantala, namataan naman sa layong 1,880 kilometers silangan ng Visayas ang isa pang LPA.

Posible rin itong pumasok sa PAR sa darating na Huwebes at hindi rin inaalis ang posibilidad na ito ay maging isang bagyo.

Read More:  Bong Go urges youth to spend more time in sports, less on social media

Sa ngayon, wala pang direktang epekto sa bansa ang ikalawang LPA.

Bukod naman sa LPA, localized thunderstorm din ang magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw.

Batay sa rainfall forecast, katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang mararanasan mamayang hapon sa Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, buong Visayas at Mindanao.

#