Pagbabago sa operasyon ng Office of the Press Secretary, asahan na ayon sa bagong OIC

Asahan na umano ang pagbabago sa mga operasyon ng Office of the Press Secretary.

Ito ang inihayag ni OPS officer-in-charge Atty. Cheloy Garafil sa isang chance interview matapos ang kanyang pagdalo sa kanyang kauna-unahang flag ceremony sa Malacañang.

Ayon kay Garafil, nakatakda silang magkaroon ng pormal na pagpupulong para talakayin ang magiging operasyon ng OPS.

Nakaraang linggo nang ipatawag umano si Garafil ni Pangulong Bongbong Marcos para i-alok ang naturang posisyon.

‘Last week, pinatawag niya ako. And he said na kailangan ng someone sa OPS na makatulong. And I said of course, yes.’ ani Garafil.

‘May mga changes ‘yan. But I’m still wrapping my head around ‘yung operations. Ngayon pa lang kami magme-meeting talaga formally on the operations ng OPS but definitely, we’ll see some changes in the coming days.’ dagdag pa ng OIC.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Nang matanong naman kung bakit OIC pa lamang at hindi pa siya in-appoint bilang opisyal na Press Secretary, sinabi ni Garafil na hindi na muna mahalaga sa kanyang ang pangalan ng posisyon.

Ang mahalaga aniya ay nabigyan siya ng tiwala ng Pangulo para gampanan ang kanyang tungkulin.

‘Di na importante kung OIC o full-fledged na secretary. Ang mahalaga sa akin, ang importante sa’kin, ay ‘yung trust and confidence na binigay sa atin ng ating pangulo na binigyan tayo ng pagkakataon at trust na makatulong sa OPS.’ giit ni Garafil.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Matatandaang nagbitiw sa puwesto ang dating vlogger na si Trixie Cruz-Angeles dahil sa umano’y health reasons.

Unang sinabi ni Marcos na ang itatalaga niya bilang susunod na Press Secretary ay may karanasan sa media.

Ilan sa mga napabalitang shortlisted para sa puwesto ay ang mga dating broacast-journalist na sina Mike Toledo, Transportation Usec. Cesar Chavez, at dating Cavite Rep. Gilbert Remulla.

Kinumpirma rin ang pag-alok sa direktor na si Paul Soriano.
#

RELATED STORIES:

BBM: Press Secretary, papangalanan na next week

Mike Toledo, bukas sa posibilidad na italagang susunod press secretary

Angeles, Calida, Rodriguez – um-exit na sa Gabinete