Pansamantalang harang, inilagay sa gumuguhong bahagi ng paaralan sa Roxas

Naglagay ng pansamantalang harang ang Project contractor sa gilid ng Trinidad Cario Elementary School sa Sitio Linapawan, Bgy. Dumarao, Roxas kahapon, September 30, 2022.

Pinangangambahan kasing sumama sa pagguho ang silid-aralan bunsod ng 4 lanes road widening project ng DPWH.

Read More:  Nearly entire church ceiling collapses in Maguindanao del Norte

Kaugnay nito ay nagsagawa na rin ng initial assessment ang Division Engineer ng Dep Ed Palawan at ngayong Sabado ay binalikan nila ito para inspeksyonin para sa karagdagang rekomendasyon.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Sa assessment malalaman kung kinakailangan nang papasukin sa ibang classroom o eskwelahan ang mga bata habang ginagawa ang slope protection ng DPWH, ayon kay Ms. Maylyn Dilig ng Dep Ed Palawan.