Mayweather, walang balak makipag-rematch kay Pacquiao

“Absolutely not.”

Ito ang naging reaksyon ni Floyd Mayweather Jr. nang matanong kung magkakaroon ng isa pang super fight sa kanyang rival na kapwa retiradong boxing champion na si Manny Pacquiao.

Ayon kay Mayweather, tapos na ang kanyang mga hard fights mula 1987 hanggang 2017, kaya ngayon umano ang lahat ng kanyang mga laro ay for entertaining at kasiyahan nalang.

Read More:  EJ Obiena continues Golden Run in Berlin

Mababatid na ang kontrobersiyal na American boxing ay nasa Manila dahil sa imbitasyon ng isang health at beauty products company.

Read More:  Alex Eala, Janice Tjen to clash in exhibition match at Philippine Arena

Bago lumipad ng Pilipinas, napatumba ni Mayweather Jr. si MMA fighter Mikuru Asakura sa Saitama Super Arena sa Japan, kung saan saksi si Pacquaio sa naturang bout nang personal dito manood.