Nilampaso ng Rain o Shine Elasto Painters ang Barangay Ginebra sa score na 93-71 sa nagpapatuloy na PBA Commssioner’s Cup.
Nanguna sa laro para sa Rain or Shine si import Steve Taylor Jr na mayroong 21 points, 10 rebounds at limang assists.
Nakakuha rin si Taylor ng 15 markers mula kay Santi Santillan.
Samantala, si Justin Brownlee naman ang bumida para sa Gin Kings sa kanyang 20 points, habang nag-ambag si Jamie Malonzo ng 14 points, walong rebounds, tatlong assists at tatlong blocks, pero hindi ito naging sapat para depensahan ang koponan mula sa Elasto Painters.
Para kay Rain or Shine coach Yeng Guiao, tila nakasibat sila ng malaking isda dahil sa naturang panalo.
