Pagtanggal ng facemask sa lunsod ng Legazpi, hindi pa nararapat – Legazpi City Mayor

LEGAZPI CITY – Hindi pa nararapat tanggalin o itigil ang pagsusuot ng facemask sa lunsod ng Legazpi, ayon sa pahayag ni Mayor Geraldine Rosal sa Brigada News FM Legazpi.

Ayon kay Rosal, sa ngayon ay hindi muna nito papayagan na alisin na ang facemask sa lunsod dahil sa kanilang kalagayan pagdating sa COVID-19 cases.

Aniya, patuloy kasing tumataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa sakit sa lungsod.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Maliban pa rito, hindi pa ganoon kataas ang porsyento ng vaccination rate pagdating sa booster shot kaya hindi pa nito tiyak na magiging ligtas ang lahat sa lungsod pagdating sa nasabing sakit.

Dagdag pa nito, kung ninanais ng mga taga Legazpeño na alisin na ang facemask tanging susi nito ay magpabakuna ng booster shot.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sinabi opisyal, mayroo namang kapangyarihan naman ang mga local chief executives sa pagdedesisyon kung sila ay susunod sa iminumungkahi ng National Government sa pagtanggal ng facemask.

Naniniwala ang alkalde na maglalabas ng panibagong guidelines ang Inter-agency Task Force ukol sa pag-alis ng facemask at sakali man na mapabilang ang Legazpi sa pag-alis ng facemask ay susunod ito.