Lalaki na may kasong paglabag sa act of lasciviousness, arestado sa lunsod ng Tabaco

LEGAZPI CITY – Sa kulungan ngayon ang bagsak ng isang 41-anyos na lalaki matapos mahuli sa P-7, Brgy. Pawa, lunsod ng Tabaco sa lalawigan ng Albay dahil sa kasong paglabag sa Act of Lasciviousness in relation to Sec. 5B ng RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Kinilala ang akusado na si alyas “Bobby”, residente ng Zone 7, Bangkilingan ng nasabing lunsod.

Ayon sa report, umaga nang puntahan ng mga otoridad ang lugar na kinaroroonan ng akusado upang isilbi sa kanya ang warrant of arrest na pirmado pa noong Agosto 16, 2022.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Nang makita na ang akusado ay dito na siya inaresto ng pulisya dahil sa kanyang kasong kinakaharap.

Aabot sa P108K ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Agad na dinala sa Tabaco CPS ang akusado para sa kaukulang disposisyon.