Ilang mga livestock cooperative sa Albay, nag-alala sa posibleng pagbagsak ng industriya ng baboy dahil sa ASF

LEGAZPI CITY – Nakipag-usap ang Albay Provincial Veterinary Office sa mga Hog raisers kasabay ang City Veterinarian, Dr. Emmanuel Estipona ng Legazpi at iba pang opisyal para patatagin ang presyo ng baboy sa Albay

Ayon kay Dr. Pancho Mella, nagpahayag ng kanilang pag-aalala sa posibleng mangyaring bagsak na industriya ng baboy dahil sa banta ng African Swine Fever (ASF) at ang pagtaas ng frozen meat.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Pinag-usapan rin ng mga hog raisers ang mga presyo ng hog at livestock trading imbalances sa Albay.

Dahil dito, karamihan sa mga magtitinda ng baboy ay may mga iilan sa kanila ang hindi kumikita dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng baboy kasunod ng kumpirmadong kaso ng ASF sa Sorsogon.

Hinimok ni LLC President Aldine Miña ang lokal na pamahalaan na maglabas ng border controls at checkpoints para sa mga importasyon ng baboy sa buong Albay at mahigpit na pagsubaybay sa mga produksyon ng baboy sa lalawigan.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Kasabay nito, iminungkahi nila ang paglikha ng sentralisadong pagpepresyo para sa mga livestock products sa nabanggit na lalawigan at ang regulasyon sa pagbebenta ng frozen meat.

Ito ay para ma-accommodate ang lahat ng sektor sa livestock, lalo na ang mga nagtitinda ng sariwang karneng baboy.