Palasyo, tiniyak na aaksyunan ang executive clemency ni Mary Jane Veloso

Hindi na muna magbibigay ng statement si Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa kaso ng pinay OFW na nahaharap sa death row sa Indonesia.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nag-iingat ang Gobyerno ng Pilipinas sa paglalabas ng mga opisyal na pahayag sa ngayon dahil sa posible nitong repercussions kalaunan.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Sa kabila nito, hindi raw ito nangangahulugang hindi nila inaasikaso ang kalayaan ni Veloso.

Bagamat wala pang pinal na desisyon, sinabi ni Angeles na tuluy-tuloy pa rin ang efforts para mahanapan ng solusyon ang mga kasong kinahaharap ng ating kababayan.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Kagabi nang kumpirmahin ng Department of Foreign Affairs na nag-request na ito ng executive clemency sa counterparts nito sa Indonesia.

Sa kabila nito, isinangguni na umano ng Indonesian Foreign Affairs Minister ang kaso ng Pinay OFW sa kanilang Ministry of Justice.
#