Infectious disease expert, pinag-iingat ang publiko laban sa leggionaires disease

Nagbabala ang isang infectious disease expert kaugnay sa posibleng pagkalat ng leggionanires disease na unang naitala sa bansang Argentina.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante na bagama’t wala pang kaso ngayon sa Pilipinas hindi malayong makapasok ang naturang sakit kung hindi mag-iingat ang publiko.

Paliwanag ni Solante, ang legionnaires disease ay isang matagal na infection na nagdudulot ng pneumonia.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Idinudulot umano ito ng isang uri ng bacteria na namamahay o nabubuhay sa maruruming water system o piping system ng mga gusali o istruktura.

Karaniwan sa mga tinatamaan ng sakit ay mga taong may comorbidity at chronic lung disease, at immunocompromised individuals.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Bagama’t may gamot para sa naturang sakit, posible naman maiwasan ang legionnaires disease, sa pamamagitan ng regular na paglilinis sa mga water at piping sytem sa mga gusali, panatilihing malusog ang katawan, siguruhing naiinom ang mga maintenance medicine o mga gamot lalo na sa mga may hypertension, diabetes at iba pang commorbidites.
#