Trump, binansagan si Biden na ‘enemy of the state’ sa Pennsylvania rally

Binansagan ni dating President Donald Trump ang kanyang successor na si Joe Biden bilang “enemy of the state” sa rally sa Pennsylvania, kasabay ng pagbatikos nito sa pagsalakay ng FBI sa kanyang bahay sa Florida noong nakaraang buwan.

Sa kanyang first public appearance simula noong August 8 raid, sinabi ni Trump na ang search ay “travesty of justice” at nagbabalang ito ay magpo-produce ng backlash na hindi pa kailanman nakikita ng ninuman.

Ayon sa dating pangulo, marami pang malinaw na halimbawa ng totoong banta mula sa American freedom, kumpara sa nakalipas na ilang linggo, nang masaksihan umano ang isa sa pinaka-nakakagulat na pag-abuso ng kapangyarihan ng administrasyon sa kasaysayan ng Amerika.

Kaugnay nito, binuweltahan din ni Trump ang naging talumpati ni Biden noong nakaraang linggo, nang sabihin nito na ang kanyang predecessor at Republican supporters ay kumakatawan ng extremism na banta sa pundasyon ng bansa.