Lockdown dahil sa monkeypox, ‘overacting’ ayon sa isang ekspersto

Hindi inaalis ng isang infectious disease expert ang posibilidad na may local transmission na ng monkeypox virus sa bansa.

Ito ay matapos maitala ang ikaapat na kaso ng monkeypox sa Pilipinas na sinasabing walang record ng travel history sa kahit saang bansa na mayroong detected case ng monkeypox.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Dr. Rontgene Solante na dahil walang travel history ang naturang pasyente, posibleng narito na nga ang virus sa bansa.

Read More:  Minority bloc calls for Cayetano’s resignation

Gayunman, binigyang diin niya na masyado pa rin namang maaga kung sasabihin na kumakalat na ang nasabing virus sa ilang lugar sa Pilipinas.

Kaugnay nito, iginiit naman ni Dr. Solante na hindi siya sang-ayon na magpatupad na ng lockdown dahil sa monkeypox.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Aniya, kung magiging opsyon ngayon ang lockdown, ‘over reacting’ ito.

Hindi niya aniya ito nakikitang solusyon para matugunan ang monkeypox virus kung may nangyayari na ngang hawaan.

Ang mas maigi aniyang gawin, mas palakasin ng gobyerno ang information dissemination ukol sa virus at kung paano makakaiwas ang publiko na mahawaan nito.(CLAY MARQUEZ)
#