BNFM BICOL—Binigyan ng “Sertipiko ng Pagkilala” ng Department of Social Welfare & Development (DSWD) sa pakikipagtulungan ng local na pamahalaan ang nasa 91 mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Progra (4Ps) sa Camalig, Albay na grumaduate na sa programa.
Isinagawa ang “Pugay Tagumpay” o ang graduation ceremony sa Salugan covered court, Brgy. Salugan, sa nasabing bayan para sa mga kabilang sa Code 26 exiting households.
Layunin ng seremonya na ipagdiwang, kilalanin at ihanda ang mga 4Ps beneficiaries mula sa survival patungong self-sufficient na estado ng pamumuhay.
Sa kabuuan, base sa tala ng Municipal Social Welfare & Development Office (MSWDO), nasa 4,197 ang 4Ps households sa bayan ng Camalig at 138 nito ang inisyal na nakatala sa ilalim ng Code 26.
Nangako naman ang local na gobyerno ng tuloy-tuloy na suporta sa mga mahihirap na Camaliguenos sa tulong ng mga skills training, livelihood provision, medical at educational assistance, at iba pang sustainable interventions.
Plano rin ng LGU na magbigay ng P5,000.00 na financial assistance sa mga piling benepisyaryo bilang tulong sa panimulang pagkabuhayan o maging sa pag-aaral ng mga estudyante ng mga mapipiling households.###

