KORONADAL CITY – NAKAPAGPATAYO na ang lalawigan ng South Cotabato ng 95 na mga potable water system sa ilalim ng Tamayo administration.
Ayon kay Governor Reynaldo Tamayo Jr na ito ay inilagay sa mga far flung areas na walang source ng malinis na tubig.
Target naman nito na bago sumapit ang taong 2028, magkaroon na ang lahat ng mga sitios ng water system upang malutas ang problema sa kakulangan ng mapagkukunan ng malinis na tubig.
Noong 2022, naglaan ang provincial government ng P 42.7 million na pondo para sa pagpapatayo ng 29 na mga potable water system projects.
Matatandaan na iniutos ng gobernador ang pag-fast track sa implementasyon ng mga potable water system project sa mga purok at sitios.
Inihayag ni Tamayo na maliban sa pondo na inilaan ng provincial government, nakakuha din ito ng P 40 million na budget mula sa ANGAT Partylist.
