Myanmar junta court, pinakulong si Suu Kyi ng anim na taon dahil sa corruption

Pinakulong ng Myanmar junta court si ousted civilian leader Aung San Suu Kyi ng anim na taon dahil sa corruption on Monday, according to a source close to the case.

Ayon sa ulat, si Suu Kyi ay hinatulan ng anim na taong pagkakakulong sa ilalim ng apat na anti-corruption charges.

Matatandaan na nasa ilalim ng kustudiya si Suu Kyi simula nang mapatalsik ang gobyerno nito sa pamamagitan ng kudeta noong Pebrero ng nakaraang taon.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Batay sa source, maayos ang kalusugan ng Suu Kyi, at hindi rin ito nagbigay ng anumang pahayag hinggil sa bagong hatol.

Una nito, nahaharap na ang 77-anyos na Nobel laureate ng 11 taong pagkakakulong dahil sa corruption, incitement against the military, paglabag sa Covid-19 rules at paglabag sa telecommunications law.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Maliban dito, marami pang kaso na kinahaharap ang napatalsik na lider, kabilang na ang paglabag sa official secrets act, corruption at electoral fraud, kung saan maari itong makulong ng ilang dekada sakaling mahatulan sa lahat ng counts.