90-anyos na lola at 7-taong gulang na batang babae, kabilang sa 35 bagong kaso ng COVID-19 sa Catanduanes

BNFM BICOL—Muli nanamang nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 ang islang lalawigan ng Catanduanes batay sa naging pagtatala ng Provincial Health Office, kahapon araw ng Huwebes.

Base sa ulat ng tanggapan, 35 bagong kaso ng sakit ang naitala sa lalawigan na kinabibilangan ng isang 90-anyos na lola at isang pitong taong gulang na batang babae.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

14 sa mga bagong kaso ay naitala mula sa bayan ng Virac; tiglilimang kaso ang mga bayan ng Bato, Caramoran at Pandan; tatlong kaso sa bayan ng Viga; dalawa sa San Andres habang isang kaso naman ang naidagdag sa bayan ng Bagamanoc.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Bunsod nito, umakyat na sa 1,462 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Catanduanes kung saan 192 sa mga ito ang aktibong kaso. Nasa 17 naman ang mga naiulat na bagong gumaling, kaya’t pumalo na rin sa 1,218 ang COVID-19 recoveries sa lalawigan. Wala namang naiulat na panibagong nasawi kaya’t nananatili sa 53 ang death toll ng sakit.