9 stalls sa Tboli Public Market, ipinasara

KORONADAL CITY- SIYAM na mga establisemento komersyal sa T’Boli Public Market ang ipinasara ng local government unit o LGU dahil sa kabiguan ng mga ito na bayaran ang kanilang arrears sa Municipal Treasurer’s Office.

Matatandaan na isang dayalogo ang isinagawa ng LGU kasama ang mga stall awardees upang maresolba ang naturang problema ngunit mayroon pa ring hindi nakapagbayad.

Read More:  Shrimp swarm surprises residents along Sipalay beachfront in Negros Occidental

Nilinaw naman ni Market Supervisor May Flor Carlos na maaari pa rin ang mga itong makapagbukas muli ng kanilang mga stall kung makakapagbayad na ang mga ito ng kahit 30% lang ng kanilang arrears at makapirma sa installment agreement.

Read More:  Over ₱700,000 in gadgets stolen from Cebu shop, two suspects arrested

Subalit, oras na bigo ang mga stall awardees na makapagbayad sa loob ng tatlong makasunod na buwan, maaari nang kanselahin ng LGU ang kanilang “contract of lease” at maaari pang patawan ng parusa batay sa nakasaad sa 2019 Revised Revenue Code ng LGU T’Boli.