Mga biktima ng landslide sa Lake Sebu, tinulungan ng DSWD-12

KORONADAL CITY — UMAABOT sa 400 na mga family food packs o FFP ang naipamigay ng Department of Social Welfare and Development o DSWD-12 sa mga pamilyang biktima ng landslide sa Barangay Lamlahak, Lake Sebu, South Cotabato.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Dennis Dominggo, Information Officer ng DSWD-12, inihayag nito na laging handa ang tanggapan ng DSWD-12 upang tumugon sa mga biktima ng kalamidad kagaya na lamang ng nangyari sa Lake Sebu.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Kabilang sa mga ipinamahagi ng DSWD sa mga biktima ng landslide ay ang mga 30 modular tent, 30 malong, 30 plastic mats o banig, at 400 na mga family food packs na may lamang anim na kilo ng bigas, 10 mga canned goods, anim na mga cereals at anim nasachet ng kape.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Dagdag pa ni Dominggo na layunin ng nasabing programa na matulungan ang mga nangangailangan lalo na sa mga oras ng sakuna.

Nagpasalamat naman ang mag biktima sa tulong na kanilang natanggap mula sa DSWD-12.