9 na public elementary schools sa Naga City sabay-sabay na magkakaroon ng vaccination activities

NAGA CITY – Patuloy na hinahangad ngCity Government ng Naga na makuha ang target population sa age group na 5-11 years old na mabakunahan para sa inaasaahang 100% face to face classes ngayong pagbubukas ng school year 2022-2023.

Ngayong araw siyam na mga pamplublikong paaralan sa elementarya ang magkakaroon ng bakunahan, mula sa oras na alas 8:30 hanggang alas 4:00 ng hapon.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ang mga ito ay ang Naga Central School I and II , Balatas, Calauag, Tinago, ABCEDE at Sabang Elementary Schools.

Kasama din ang Rosario V. Maramba Elmentary sa Barangay San Felipe at ang Julian B. Meliton Elmentary School sa Barangay Concepcion Pequeña.

Inihayag naman sa Brigada News FM Naga ni Incoming Liga Pres. Corazon Peñaflor ng Barangay Calauag na inaasahan na nila ang school-based vaccination na ito dahil nga sa mababa parin ang bilang ng mga nagpapabakunang mga bata.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ito anya ang dahilan kaya nahihirapan silang ipatupad ang limited face-to-face sa kani-kanilang mga paaralan.

Sa panig naman ng DepEd Naga, una na ring nabanggit ni City Schools DepEd Supt. Manny de Guzman na patuloy ang pakikiusap nilang ginagawa sa mga magulang para suportahan ang vaccination activity para narin sa kalusugan ng mga bata.