Oath taking ng mga bagong halal na opisyal sa bayan ng Mercedes isasagawa na mamayang gabi

CAMARINES NORTE- Isasagawa na mamayang gabi ang Oath Taking ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng bayan ng Mercedes, Camarines Norte na gaganpin sa Jimmy P Lo Sports and Cultural Complex.

Ang panunumpa sa tungkulin na pangungunahan ni Mayor- Elect Alexander Pajarillo at Vice Mayor -Elect Jeana Yapyuco kasama ang walong halal na konsehal ay gagawin sa harap ni Presiding Judge Lourdes Clarissa Donnatilla Cu ng Municipal Trial Court- Mercedes.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Kabilang sa mga magbibigay ng mensahe ay si 2nd District Representative Rosemarie Panotes.

Sa huling bahagi ang acceptance at inaugural speech naman ni Mayor Pajarillo.

Si Pajarillo ay dati nang nagsilbing Alkalde at nakatapos ng tatlong termino simula noong 2010.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Noong 2019 ay tumakbo bilang Bise Alkalde pero natalo laban kay Vice Mayor Yapyuco.

Sa katatapos lang na May 2022, elections ay natalo naman ni Pajarillo si Outgoing Mayor Dante Morales.

Si Yapyuco naman ay nasa ikalawang termino na ngayon bilang bise Alkalde.