9 na panibagong kaso naitala sa 5 bayan ng Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Muling nakapagtala ng 9 na panibagong kaso ang lalawigan ng Camarines norte sa ulat ng DOH Bicol kahapon

Ang mga panibagong kaso ay naitala mula sa bayan ng Daet na may   4 , 2 mula sa  Paracale habang may tig-i-isang kaso ang bayan ng Labo, San Vicente at Sta. Elena

Sa ngayon ay mayroon ng 581 na kabuuang kaso ng sakit sa lalawiganHabang wala namang naitalang nakarekober sa sakit at pagkasawi sa COVID-19

Kung kaya’t umaabot na sa 218 ang aktibong kaso ng sakit, 333 ang nakarekober at may 30 ang naitatalang nasawi sa COVID-19

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga naapektuhan ng virus, umaapela ang Provincial IMT sa publiko na panatilihn ang pagsunod sa health protocols

Sa nakaraang pagpupulong ng IMT, Nakiusap si Dr. Arnel  Francisco, Acting Provincial Health Officer/ Incident Commander For Health na tulungan na ang PHO, MHOs at mga LGUs, dahil sa kaya nga may tinatawag na INTER-AGENCY o pinagsamang puwersa ng iba’t-ibang tanggapan para sa implementasyon ng mga batas kontra COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *