9 na mga senior citizens sa Naga City kabilang sa mga bagong COVID-CASES ; MECQ nagsimula na

NAGA CITY – May siyam na mga senior citizens sa Naga City ang napasama sa bagong may sakit ngayon dahil sa komplikasyon na dala ng COVID-19

Ang mga lolo at lolang ito ay para-parehong nakaranas ng pag-ubo, diarrhea, hirap sa paghinga  at may mga dati ng iniindang karamdaman.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Lahat sila ay mga retirees na nahawaan ng mga kasamahan sa loob ng bahay.

Samantala, halos na isang libo naman ang napasama sa contact tracing dahil sa bagong 14 new cases.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ang Naga ay mayroong 2,331 cumulative cases. Simula naman ngayong araw June 16, 2021 nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine ang lungsod.