Mygz Molino, itinangging ginagamit niya lang si Mahal

Itinanggi ni Mygz Molino na piniperahan at ginagamit niya lang si Mahal.

Sa unang pagkakataon ay binasag nito ang katahimikan matapos maging usap-usapan ang pagpapa-uwi umano kay Mahal ng pamilya nito sa probinsiya.

Read More:  Bea and Vincent tie the knot

Bagama’t naiintinidhan umano ni Mygz ang sentimyento ng pamilya ni Mahal nilinaw nitong hindi niya ginagamit si Mahal at nagtutulungan lamang sila para sa kanilang vlogs.

Iginiit ni Mygz na hindi niya pinapakialaman ang mga bagay pagdating sa pera ni Mahal.

Read More:  Bea and Vincent tie the knot

Aniya napupunta sa account ni Mahal ang lahat ng kinikita niya at ang nagkakausap umano dito ay ang manager ni Mahal at ang kanyang papa at tita.