Target ng National Housing Authority (NHA) Sorsogon na masimulan sa 2024 ang programang pabahay para sa mga former rebels sa lalawigan ng Sorsogon sa ilalim ng Resettlement Project ng pamahalaan.
Sa panayam ng Brigada News kay Rolando Ramos, head ng NHA District 3, sinabi nito na hindi nabigyan ng pondo ngayong 2023 ang nasabing programa kung kaya ipaprayoridad nila ito para sa 2024 budget.
Mahigit 100 pamilya ang target na mabenepisyuhan ng programa na planong ilagay sa Bacon District sa lungsod ng Sorsogon. Ang naturang programa ay bahagi ng interbensyon ng gobyerno para sa mga dating rebelde na nagbalik loob sa pamahalaan para sa kanilang tuloytuloy na pagbabagong buhay.
