9 na buwang sanggol at 2 iba pang indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 sa evacuation center sa Daraga, Albay, nagnegatibo na

LEGAZPI CITY – Nagnegatibo na sa COVID-19 ang 9 na buwang sanggol na nagpositibo sa nasabing sakit sa isang evacuation center sa bayan ng Daraga, Albay.

Ayon kay Municipal Health Officer, Dra. Edna Freya Tan, kasama na rin sa nagnegatibo ang dalawang pang naitalang COVID-patient na 82 anyos na lola at 12 anyos na bata na pansamantalang nakatira sa Gabawan evacuation center.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Aniya, nakabalik na ang mga ito sa kani-kanilang pasilidad kasama na ang mga naging close contact ng mga ito.

Magpapatupad naman umano ng mahigpit na seguridad sa mga pasilidad kung saan lilimitahan na muna ang paglabas-pasok upang maiwasan ang pagkakaroon ng kaso ng nasabing sakit.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Samantala, muli naman nitong pinaalalahanan ang mga residente ng bayan, partikular na ang mga evacuees na magpabakuna laban sa COVID-19 upang maiwasan ang pagkalat nito.