Siyam na alkalde ng Negros Oriental ang nagpahayag ng suporta sa panukalang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa lalawigan.
Sa pahayag ng mga Alkalde, binanggit nilang isa sa pangunahing dahilan ay ang patuloy na pangamba at takot na nararanasan ng mga residente matapos ang nangyaring pagpatay kay Gov. Roel Degamo.

Kabilang sa mga lumagda sa manifesto ang biyuda ni Degamo na si Mayor Janice ng Pamplona, ang kanyang pamangkin na si Fritz Diaz ng Siaton, gayundin ang mga kaalyadong alkalde ng mga Degamo.
Inilibas ang maifesto of support isang araw bago simulan ng Comelec ang serye ng konsultasyon at pagdinig sa buong probinsiya kaugnay sa panukalang BSKE postponement sa Oktubre kung saan inaasahang pangungunahan ito ni Comelec Chair George Garcia.//CA