LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Albay Provincial Veterinary Office na mayroon nang siyam na kaso ng rabies ang lalawigan ng Albay sa unang quarter ng taong 2023 o ang unang limang buwan.
Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Pancho Mella, isa sa pangunahing suliranin sa lalawigan ang pagkakaroon ng mga hayop na may rabies.
Subalit, ang pagsugpo umano sa naturang suliranin ay nakasalalay na sa mga lokal na pamahalaan.
Dagdag pa ni Mella, mula noong taong 2015 hanggang 2022, nakitaan na ito ng halos pagtaas ng kaso, kung saan noong 7 ang naitala noong 2015; 8 noong 2016; 11 noong 2017; 35 noong 2018; parehong 36 noong 2019 at 2020; 35 noong 2021; habang 21 naman noong 22.
Ninanais ngayon ng kanyang tanggapan na ipagpatuloy ang Zero Rabies Albay project na nakapokus lamang sa anti-rabies vaccination rate sa lalawigan.
Binigyang-diin ni Mella, mahalaga ang papel ng bawat LGU sa pagsugpo sa rabies lalo na sa lebel ng mga barangay.