Binatilyo patay sa pananaksak; manhunt, ikinasa

Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa suspek sa pananaksak sa isang binatilyo, madaling araw kahapon sa Brgy Cumadcad, Castilla, Sorsogon.

Kinilala ang suspek na si Allan Roy Quintana, 20-anyos, binata at naninirahan sa Brgy Palanas, Pilar, Sorsogon habang ang biktima ay nakilalang si Ashton Tait Sayson Sierte, 17-anyos, estudyante at residente ng Brgy Cumadcad, Castilla, Sorsogon.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, dumalo sa isang sayawan ang biktima kasama ang isang kaibigan sa Brgy Palanas at pinagbantaan umano ito ng suspek.

Bunsod nito, nagdesisyon ang biktima na umuwi na lang kasama ang kaibigan lulan ng motorsiklo, subalit hinabol sila ng suspek na lulan din ng motorsiklo.

Pagdating sa Brgy Cumadcad, binugbog ng dalawa ang suspek hanggang makabunot ito ng patalim saka gumanti ng saksak sa biktima.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Naitakbo sa ospital ang biktima subalit idineklara itong ‘dead on arrival’ ng sumuring doktor dahil sa mga tama ng saksak sa katawan nito.

Mabilis namang nakatakas ang suspek at nabigo ang mga awtoridad na mahanap ito sa kanilang lugar.