86-anyos na lola patay matapos matrap sa nasunog na bahay sa Bacacay, Albay

LEGAZPI CITY—Hindi na nakaligtas ang isang 86-anyos na lola matapos makasama sa nasunog nitong bahay sa Barangay Tanagan, bayan ng Bacacay, Albay.

Ayon sa report ng Bacacay Fire Station, nakilala ang biktima na si Salvacion Barcellano Baral.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Natrap umano ito sa loob ng bahay nang sumiklab ang sunog mag uumaga kahapon.

Sa sinagawang inspeksyon, gawa lamang sa light materials ang dalawang palapag na bahay at yari sa yero ang bubong nito.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Lumalabas rin na ang bahay nito ay nasa isla kung saan aabutin pa ng 20 minuto bago ito marating.

Aminado rin ang BFP na imposibleng marespondehan ng fire trucks ang lugar dahil tatawid pa ng dagat.