Aabot sa 85% ng popolasyon sa Indonesia ang natamaan na ng COVID-19.
Ito ang lumabas sa isinagawang survey ng mga researchers mula sa University of Indonesia.
Dahil dito naniniwala ang mga eksperto na malaking porsyento ng mga residente sa naturang bansa ay nagkaroon ng mataas na level ng antibodies mula sa COVID-19 infections at vaccinations.
Tinitingnan din ng mga doktor kung may kinalaman ito kung bakit maliit lang ang bilang nang mga nagkakasakit ng COVID-19 sa Indonesia sa kabila ng pagpasok ng omicron variant.
Magugunitang naiatala ang 50,000 COVID cases per day sa Indonesia noong July at August ng nakaraang taon bunsod ng Delta variant.