Duque pina-iimbestigahan na ang mga naglipanang take-home antigen kits

Pinayuhan ni Health Secretary Francisco Duque III na huwag tangkilikin ang mga naglipanang take-home antigen test kits na nabibili online.

Ayon kay Sec. Duque maituturing na iligal at hindi dapat ginagamit ang mga antigen test kits lalo’t hindi ito dumaan sa Food and Drug Administration.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Inihayag naman ng kalihim na inatasan na niya ang FDA na silipin kung saan galing ang self-administered test kits.

Iginiit ng health secretary na ang RT-PCR test pa rin ang tanging paraan para malaman kung totoong mayroon COVID-19 ang isang tao.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Sa kabila nito hinimok naman ni Duque ang publiko na huwag nang maghintay ng test at agad na mag-isolate kapag nakakaranas na nang sintomas ng COVID-19.