Ano na lamang ang mafifeel mo kung sakaling makatanggap ka ng lung cancer diagnosis, imbis na pagbati dahil nalalapit na ang kapaskuhan?
Umabot kasi sa 8,000 katao ang napadalhan ng text message kamakailan sa isang kilinika sa United Kindom na nadiagnose sila na mayroong lung cancer.
Sa kadahilanang ito, maraming nadismaya, nalungkot at tila hindi matanggap ang pangyayari gaya na lamang ng isang lalaking 57-anyos na si Chris Reed.
Inaantay lamang umano nila ng kaniyang asawa ang kaniyang lung test results, subalit, napahagulgol na lamang ito nang matanggap ang mensaheng mayroon siyang lung cancer.
Agad naman sana nilang nilinaw ang diagnosis at tumawag sa numero, ngunit, busy na ito.
Dahil hindi makapaniwala ay agad na niyang pinuntahan ng personal ang klinika at dito niya nalaman na pawang kamalian pala ang nangyari dahil sa technical error na parehong nangyari sa iba pang 8,000 pasyente.
Dahil dito, laking ginhawa ng lahat ng pasyente na nakatanggap ng nasabing maling diagnosis.###| WENCY LISAY