Binalaan ng Commission on Elections ang publiko laban sa social media users na nagpapanggap bilang poll commissioners o officials.
Sa isang pahayag ay sinabi ng Comelec na pwedeng i-report ng publiko ang mga nasabing account dahil sa community standards violations.
Hinimok rin ng poll body ang publiko na i-report ang Twitter profiles na nagpapanggap bilang matataas na opisyal ng Comelec bilang paglabag sa impersonation policy ng platform.
Iginiit ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ang mga tahasang pang-aagaw sa online identity ng Comelec officials, ay potensyal na may kinalaman sa tangka ng ilan na sirain ang integridad ng eleksyon.
Nakikipag-ugnayan na rin ang Comelec sa mga social media platforms upang agad nang maalis ang mga pekeng accounts sa lalong madaling panahon.
