Mag-live-in partner sa Masbate, tiklo sa buy-bust ops; P68k suspected shabu nakumpiska

SORSOGON CITY—Arestado sa buy bust operation ang mag live-in partner na Junie James Zurvito Cabug, 25, at Daniela Lovelle Pianar Cebandal, 18, sa Valencia Road, Purok 7, Brgy. Espinosa, Masbate City.

Ang mga suspek ay nasakote ng pinagsanib na pwersa ng PNP at PDEA sa ilalim ng intensified anti-illegal drugs campaign ng Police Regional Office 5 kung saan narekober ang humigit kumulang sampong gramo ng hinihinalang shabu na mya tinatayang halaga na P68,000.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Si Cabug ay kabilang sa listahan ng City Recalibrated Database on Illegal Drugs.

Narekober din ang iba pang drug paraphernalia gaya ng aluminum strips at tooter at isang unit ng motorsiklong walang OR CR at wala ring plaka.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Nakakostudiya ngayon ang mga suspek sa Masbate City Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.