WASHINGTON – Napatay ng walong taong gulang na batang lalaki ang isang sanggol matapos aksidenteng mabaril habang naglalaro ng baril ng kanyang ama sa Florida.
Inaresto ng mga otoridad ang suspek na si Roderick Randall, 45-anyos at nahaharap sa kasong culpable negligence, unlawful possession of a firearm at concealment of evidence.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad nagcheck-in umano sa isang motel si Randall kasama ang girlfirend at tatlong mga bata.
Lumabas si Randall at iniwan ang kanyang baril “sa closet”, subalit dahil alam kung saan ito nakatago, inilabas ito ng batang lalaki at sinimulang laruin habang natutulog ang ina.
Agad nasawi ang isang-taong gulang na sanggol habang sugatan ang isa pang kapatid nitong 2-taong gulang.
Mariin naman kinondina ng grupong Everytown For Gun Safety ang insidente at muling nanawagan ng mas mahigpit na regulasyon ng firearms.