Oil firms, nagpatupad ng rollback ngayong araw

Inanunsyo ng petroleum firms na asahan ang oil price rollback simula ngayong araw, April 5.

Ayon sa Shell, Cleanfuel, Petro Gazz, SeaOil, Caltex, at Metro Oil, na ang presyo ng kanilang diesel ay mababawasan ng P1.85 bawat litro, habang ang kanilang gasolina ay mababawasan ng P2.30 ang bawat litro.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Ang kerosene naman na inaalok ng Shell, SeaOil, Caltex, at Metro Oil ay mababawasan ang presyo ng P1.65 per liter.

Samantala, bukas naman magiging epektibo ang price rollback ng Caltex at Cleanfuel.

Ang rollback ay matapos ideneklara ni United States President Joe Biden ang pagpapalabas ng lana mula sa kanilang strategic petroleum reserve.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Bago nito, sunod-sunod ang pagtaas ng presyo ng langis kung saan umabot pa ito sa mahigit P12 ang taas, dahil narin sa invasion ng Russia sa Ukraine, kung saan naharap ang Russia na siyang key crude producer ng mga sanctions. //MHEL PACIA-TRINIDAD